Ipinag-utos ng Gobernador ng Bohol ang agarang pansamantalang suspensiyon ng mga biyahe ng motorbanca sa Virgin island ng Panglao habang hinihintay ang imbestigasyon sa insidente ng overpriced na seafood na ibinebenta sa lugar.
Kasunod ito matapos mag viral kahapon ang isang social media post tungkol sa overpriced na seafood na ibinebenta sa Virgin Island. Isang grupo ng mga turista ang nagbayad ng mahigit P26,000 noong Biyernes para sa isang pagkain na kanilang kinain habang nasa lugar.
Sinabi ni Gobernador Aris Aumentado na naalarma sila sa sitwasyon at nananawagan siya ng emergency meeting para pag-usapan ang sitwasyon.
Habang isinusulat, ang DENR Bohol at ang regional office nito ay wala pang komento sa isyu.
0 Comments