Ayon kay Cristy fermin 100% sure siya sa pagbubuntis ni AJ sa isang episode ng kanyang online show na ‘Showbiz Now Na’.
“Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng siento porsyento. Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval,” Cristy said.
Dagdag pa ni Cristy, handa si Aljur na tanggapin ang responsibilidad bilang ama ngunit hindi siya sigurado sa mga legal na hamon na maaaring iharap ng mag-asawa dahil hindi pa legal na hiwalay si Aljur sa asawang si Kylie Padilla.
“Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam kong lalaking-lalaki si Aljur. Kaya niya ‘yan. Pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ. Ang nakaka-nerbyos, baka mamaya, may magsulsol kay Kylie Padilla. Hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila,” she said.
Sinabi ni Cristy na ang pagbubuntis din ni AJ ang dahilan kung bakit hindi na natapos ng young star ang kanyang mga projects at commitments.
“Hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila, na aming source tungkol sa isyung ito. Totoo po na nagdadalang-tao si AJ. Kaya ‘yung pelikula niyang sinimulan, hindi na itinuloy. Naaano lang ba ako, sayang ‘tong batang ito,” sabi ni Cristy.
Hindi pa kinumpirma o itinatanggi nina AJ at Aljur ang isyu sa pagbubuntis. Hindi rin nila opisyal na nakumpirma ang kanilang relasyon sa publiko.
0 Comments