SPERM BANK OF CHINA HANDANG MAGBAYAD NG 38,000-40,000 SA MGA VOLUNTEERS NA MAKAKAPAG DONATE NG SPERM

SPERM BANK OF CHINA HANDANG MAGBAYAD NG 38,000-40,000 SA MGA VOLUNTEERS NA MAKAKAPAG DONATE NG SPERM


 

“We invite you to do public service and donate your sperm!”


Ito ang anunsyo sa social media ng isang sperm bank sa China na naghahanap ng volunteers, na makakatanggap ng 5,000 yuan (US$760) o nasa 38,000-40,000 (Php) kapag nagbigay ng sperm.


Disperado na ang isang sperm bank sa China na makahanap ng donors dahil umabot pa ito sa isang panawagan o anunsyo sa pamamagitan ng social media. Lumabas ang panawagang ito upang punan diumano ang kakulangan o kukunting volunteers. Bukod rito, handa umano ang sperm bank na ito na magbigay ng bayad para rito.


Ang Zhejiang Human Sperm Bank, na naka base sa siyudad ng Hangzhou, probinsya ng Zhejiang sa bansang China, ay paulit ulit na nananawagan para sa  volunteers o donors simula pa netong mga nakalipas na buwan.


“Your kindness sparks hope, your devotion helps the future,” ayon sa isang post ng nasabing sperm bank netong Sabado. 


“We invite you to do public service and donate your sperm!”


Bukod rito, ay may nauna na ring post ang naturang sperm bank na nagsasabing ang pag dodonate ng sperm ay kahintulad lamang ng pagdodonate ng dugo


“Donating sperm is the same as donating blood, it’s a noble humanitarian act, it shows a whole new understanding of life.”


Handa raw sila magbayad ng 5,000 yuan (US$760) o nasa 38,000 -40,000 (php)


Itinatag ang nasabing sperm bank noong taong 2005 at ngayon ay mayroon ng 1,500 donors kada taon. Ngunit, kulang parin ito dahil ang kalidad ng sperm ay bumababa rin kada taon.


Ayon sa isang opisyal ng sperm bank, nasa 400 out of 1,500 donors lamang ang nagqualify sa kanilang pamantayan o tinatayang 27%. Masusukat ang kalidad ng isang sperm , kapag mayroon itong 12 million sperms per millilitre matapos mailagay sa isang freezer.


Mayroon ding karagdagang requirements para mapili ang pinaka kwalipikadong donors:


Una, dapat nasa edad na 20-40 yrs old.

Pangalawa, needs to have at least apost-secondary degree.

Pangatlo, kailangang hindi bababa sa 1.65 metres (5.4ft) ang tangkad.


Ayon kay Sheng Huiqiang, director ng Zhejiang Human Sperm Bank, nagdagdag requirement ang ahensya pa ma eliminate at masuri ng maayos ang kalidad ng isang sperm. At netong mga nakalipas ang ilang taon, naging mapanuri at mapili na ang mga pamilyang naghahanap ng donors ng sperm. Kasama na rito ang pagiging makinis at gwapo.


Ang mapipili at kwalipikadong sperm ay ibibigay sa mga pamilyang walang kakayahang makabuo ng baby o may 

hereditary diseases. 


Ang nasabing sperm bank ay nakatulong na sa umaabot na 2,000 pamilya kada taon, 16 taon mula ng maitatag ito kung saan umabot na sa  11,420 babies na ang naipanganak dahil sa mga sperm donors na ito.


©️Local Media News


Post a Comment

0 Comments

LynDale's Channel

Followers

Search This Blog

Close Menu