6 NA MAGKAKAMAG-ANAK, NALASON MATAPOS KUMAIN NG ITLOG MAALAT!
Mahilig ka ba kumain ng itlog? Kung oo, mag ingat at dapat suriing mabuti bago mo isubo dahil sa isang barangay sa Quintin Pangasinan ang isinugod sa ospital ang anim na magkakamag-anak mula sa Barangay Carayacan matapos umanong malason sa kinain na itlog maalat. Nakaranas umano ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi ang mga biktima isang oras matapos mag-almusal ng itlog maalat. Batay sa findings ng doktor, salmonella bacteria ng itlog maalat ang dahilan ng pagkalason ng mga biktima.
Nabili raw nila sa palengke ang itlog maalat. Nakausap na raw nila ang tindera ng itlog maalat. Galing daw ang Itlog maalat sa Nueva Ecija
0 Comments